13

By

Aganon, Ortiz mabagsik sa Tornadoes

Sharing is caring!

Itinarak ng Foton Tornadoes ang ikaapat na sunod na panalo sa 26-24, 25-15, 25-19 panalo kontra Smart Giga Hitters sa Philippine Superliga All-Filipino Conference nitong Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Walang mantsa sa apat na laban, binitbit ni Mina Aganon ang Tornadoes sa isinalansang 13 puntos katuwang si Maika Ortiz na may 11 points.

Bagsak sa 1-2 baraha ang Giga Hitters.

Masaya si Foton coach Aaron Velez sa panalo ng kanyang tropa at sa kontribusyon ng kanyang starters at bench pero hindi nito maalis ang pag-alala sa nangyari kay Arianne Layug.

Sa kalagitnaan ng first set ay uminda ng sakit sa tuhod si Layug nang magkamali ito sa pagbagsak matapos ang pagpalo nito kaya agad itong inilabas sa court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?