93

Oct 9, 2017 @ 14:22

Aga-Lea movie malabo pa

May bagong uumpisahang pelikula si Aga Muhlach bago matapos ang taon na ayaw pa niyang ibigay ang detalye.

Yun nga lang itinanggi niyang hindi si Lea Salonga o si Sharon Cuneta ang makakasama niya sa project.

Base sa paliwanag ni Aga, malabo  pa talaga silang magkaroon ng reunion movie ni Lea dahil wala pang magandang script at story line na pumapasa sa kanilang panlasa.

Hindi na raw mabilang ni Aga ang dami nang scripts na iprinisinta sa kanila ni Lea pero lahat nang mga ito ay hindi pumasa.

Gusto ni Aga na kung gagawa sila ng pelikula ni Lea, gusto niyang special ito at gaya nang mga nauna nilang movie, hindi ito makakalimutan nang mga fans nila o ng buong showbiz.

Itinanggi ni Aga na ang pagtaba niya ang dahilan kung bakit palaging napu-postpone ang reunion movie nila nang award-winning broadway actress.

Ipinagmalaki ni Aga na 25lbs na raw ang nabawas sa kanya kaya handang-handa na siya uling sumabak sa pelikula at telebisyon.

Araw-araw raw ang pagi-gym ni Aga para lang maibalik sa dati ang porma nang katawan niya.

Sa lalabas na movie nila nina Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil at Cristine Reyes na pinamagatang “Seven Sundays” directed by Cathy Garcia-Molina, mataba pa siya sa shooting nito.

Kailangan raw kasi sa character niya ang dating pangangatawan at hindi na muna siya nag-work out.

Pero nang matapos na ang lahat ng shooting nila, nagsimula na uling mag-work out si Aga.

After six years ngayon lang uli bumalik sa paggawa nang pelikula si Aga.  Hindi raw niya matanggihan ang project dahil bukod sa na-inlove siya sa kuwento, na-excite siyang makasama ang nasa casts, dagdag pang gustung-gusto niyang maidirehe ni Cathy Garcia.(Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?