35

By

Aga lagare sa pagromansa kina Bea, Alice

Sharing is caring!

Tapos na mag-shooting ng kanilang unang pelikulang sina Aga Muhlach at Bea Alonzo sa Vancouver, Canada na wala pang title, na ang direktor ay si Paul Soriano na first time rin nilang nakatrabaho.

Nitong July 1, Linggo lang ang flight ni Bea pabalik ng Pilipinas, kaya baka Lunes na siya nakalapag ng bansa, habang si Aga naman ay dumiretso mag-isa sa Las Vegas (na halos two-hour flight lang pala from Vancouver) kung saan nasa bahay nila roon ang kanyang asawang si Charlene Gonzalez at kambal na anak na sina Atasha at Andres since first week of June.

Balik-Pinas si Aga within next week with his family sabay sabak agad sa isang linggo pa yatang natitirang shooting day nila ni Bea at Direk Paul na na-move raw ang showing by last week of August sana.

Kasama nina Aga at Bea sa pelikula sina Sandy Andolong, Albie Casiño at Edward Barber minus his love team, Maymay Entrata, na kinunan din sa Vancouver.

Handog ng Star Cinema Production at Ten17 Production ng mister ni Toni Gonzaga ang kaabang-abang na pelikula ng dalawa.

Bukod diyan ay may ilang shooting day pa rin dito sa Manila si Aga para sa reunion movie naman nila ni Alice Dixson na malaking percentage ay kinunan sa Nuuk, Greenland sa may bandang Denmark at nasa pagitan ng Arctic at Atlantic oceans.

Bongga si Aga dahil lagare siya sa kandungan nina Bea at Alice, ha! ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?