70

Oct 10, 2017 @ 10:55

Aga, diring-diri na sa pulitika

NAPANGIWI si Aga Muhlach at dumila pa ito nu’ng tinanong namin sa presscon ng Seven Sundays kung may posibilidad bang balikan nito ang pulitika.

Hindi na siya nagsalita, pero sa initial reaction niya sa tanong namin, obvious na ayaw na niya at tila nadidiri na siya sa pulitika.

Pero ang co-actor niyang si Dingdong Dantes at hindi pa rin tinitigilan ng isyung papasukin na raw nito ang pulitika. Ang latest na natanong sa kanya sa presscon ay kung totoong tatakbo na siya sa 2019 elections bilang Congressman ng 2nd district ng Quezon City.

Hindi sinagot ni Dingdong ng oo o hindi pero, tuluy-tuloy daw ang pagbibigay nila ng tulong ng kanyang Yes Pinoy Foundation.

Kaya sinundan namin ng tanong na kung sakaling mabigyan nga ng pagkakataon, maaaring papasukin nga niya ang pulitika.

“Maganda siguro kung ang maisip ay open ako na hindi tumigil sa pagtulong sa kung ano ang need sa ngayon, and para sa akin nag-evolve parati ‘yung foundation namin sa kung ano ang kailangan ng bawat lugar lalo na ang mga kabataan. So, patuloy lang talaga ‘yun,” safe niyang sagot.

Marami pa raw siyang gagawing pelikula bago mapag-usapan ang interest sa pagpasok sa pelikula; at natutuwa lang daw siya sa Star Cinema dahil ibinigay sa kanya itong Seven Sundays na itinuturing sa isa sa mga dream projects niya.

Nagpasalamat din siya sa GMA 7 dahil pinayagan siyang mag-promote sa ABS-CBN. Nakapag-tape na ito ng isang episode sa Magandang Buhay, at may radio tour din siya at isa pang blogcon bago ang showing nito bukas, October 11. (GORGY RULA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?