11

Sep 15, 2021 @ 13:16
By

After engagement: Britney nawala sa IG

Deactivated na ang Instagram account ni Britney Spears.

Ito ay matapos niyang ianunsyo ang kanyang engagement sa kanyang nobyo na si Sam Asghari.

Ayon sa ulat ng ng GMA News, ang huling post ng American superstar ay pasasalamat sa kanyang mga fan kaugnay sa walang-sawang paglaban nito para sa kanyang maintrigang conservatorship sa ilalim ng kanyan erpat na si Jamie Spears.

“I’ve waited 13 years and counting for my freedom. Again… team #FreeBritney you guys f-king kick ass. Love you so much and God bless!” sey niya sa huli niyang post.

Paglilinaw ni Britney sa Twitter, mamamahinga lang muna siya sa social media.

“Don’t worry folks … just taking a little break from social media to celebrate my engagement!!!! I’ll be back soon ”

Nito lamang Setyembre nang mag-file ang kanyang ama ng petition kaugnay sa pagtutuldok niya sa 13-year conservatorship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?