13
Africans

Africans umalma sa ‘shithole countries’ comment ni Trump

Sharing is caring!

Galit na umalma ang Africans kay US President Donald Trump matapos nitong sabihin na “shithole countries” ang bansang kinabibilangan ng mga ito.

Kinondena ng 55-nation African Union (AU) ang pinahayag na ito ni Trump habang sumugod ang Botswana at Senegal sa US ambassador para magreklamo.

Hindi umano katanggap-tanggap ang tinuran ni Trump, ayon kay Ebba Kalondo, tagapagsalita ni AU chief Moussa Faki sa AFP.

“This is even more hurtful given the historical reality of just how many Africans arrived in the United States as slaves, and also terribly surprising as the United States remains a massively positive example as just how migration can give birth to a nation,” dagdag pa ni Kalondo.

Maliwanag din umano na racist o pang-aalipusta sa ibang lahi ang komento ng US President.

Kaugnay ito ng mga naging pahayag ni Trump sa ginawang pakikipagpulong sa mga mambabatas sa immigration reform, na iniulat sa The Washington Post at The New York Times.

Nitong Biyernes, nag-tweet si Trump at pinabulaanan ang mga tinuran at sinabing, “this was not the language used.”

Tinuligsa rin ng United Nations si Trump at sinabing nakakahiya at “racist” ang sinabi nito.

“You cannot dismiss entire countries and continents as ‘shitholes’ whose entire populations, who are not white, are therefore not welcome,” pahayag ni Rupert Colville, tagapagsalita ng UN human rights office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?