67
npa3
Dec 17, 2019 @ 13:42
By

AFP: Walang ceasefire sa NPA ngayong Pasko!

Wala umanong mangyayaring ceasefire o tigil putukan sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at mga sundalo sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR) ngayong Kapaskuhan, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) – 5th Infantry Division (ID).

Ayon kay AFP-5thID commander Maj. Gen. Pablo Lorenzo, ang tigit putukan ay gagamitin lamang ng communist movement upang magpalakas ng puwersa.

Giniit ni Lorenzo na hindi na dapat pang maulit ang aniya’y ginawang pang-aabuso ng makakaliwang grupo sa mga nakaraang kasunduan sa ceasefire.

Samantala, nakatakdang ipagdiwang ng NPA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kanilang founding anniversary sa darating na ika-26 ng Disyembre.

Patuloy ang ginagawang military intelligence monitoring sa nasabing lugar hinggil sa posibleng pag-atake ngayong buwan ng mga komunista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?