123

Dec 30, 2017 @ 19:23
By

AFP tutupad sa SOMO, pero titiyakin ang proteksyon ng publiko

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang tutuparin o susundin ang ipinatutupad na Suspension of Military Operation (SOMO) sa pagitan ng New People’s Army (NPA) ngayong pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa kabila nito, ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, makakatiyak ang publiko na handa ang kanilang hanay para protektahan ang mga ginugulo o guguluhin ng mga teroristang komunista.

Dahil nanatili aniyang nasa active defense ang kanilang tropa sa ground laban sa NPA.

“Our soldiers, all year-round commit to foil the evil plans of the CPP-NPA-NDF. The AFP will be together with the people,” sabi ni Arevalo.

Sa ngayon nananawagan ang AFP sa publiko na labanan ang ginagawang pangingikil at iba pang iligal na aktibidad ng mga teroristang komunista.

Habang patuloy naman ang panawagan ng AFP sa mga red fighters na mag-isip isip na para sumuko sa pamahalaan at magbago para sa kanilang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?