235

By

AFP tuloy sa paghahanda sa Trillanes trial

Sharing is caring!

Sinimulan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang proseso para sa pagsalang ni Senator Antonio Trillanes IV sa military court.

Ayon kay AFP spokesman Col. Edgard Arevalo sinimulan na ang pagbuo sa general court martial na lilitis kay Trillanes.

Aniya ang hakbang ay bunsod ng ipinalabas na Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpawalang bisa sa ibinigay na amnestiya kay Trillanes.

“The AFP as an institution is united and committed to the chain of command and the rule of law,” ayon kay Arevalo.

Sinabi pa nito na kinikilala naman nila ang pagpapasaklolo ni Trillanes sa Korte Suprema at ito lang aniya ang kanilang masasabi.

Kaugnay nito, sinabi rin ng Department of National Defense na inirerespeto nila ang prosesong legal at hihintayin na lang nila ang magiging desisyon ng Korte Suprema.

Sa 36-pahinang petisyon ni Trillanes nais nitong magpalabas ng temporary restraining order para hindi maaresto ang senador ng pulis man o sundalo alinsunod sa proklamasyon ni Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?