23
afp-navy
By

AFP, tuloy lang sa pagbabantay sa teritoryo ng PHL

Sharing is caring!

Ayaw nang magkomento pa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa usapin na may kaugnayan sa West Philippine Sea.

Sinabi ito ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, makaraan ang pahayag ng Malacañang na hindi banta sa seguridad ng bansa ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Arevalo na ang Department of Foreign Affairs ang naatasang magbigay ng update sa mga kaganapan sa West Philippine Sea.

Tiniyak naman ni Arevalo na nagagawa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang kanilang mandatong bantayan ang teritoryo ng bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng kanilang regular na ginagawang air at maritime patrol sa West Philippine Sea.

“Nagpapatuloy naman po ang ating kino-conduct na air and maritime patrols na ginagawa sa mga lugar na ‘yan at lahat ng ating namomonitor ay ipini-feed po natin sa ating national leadership because of matters national policy, matters of foreign relations is not a matter for the Armed Forces of the Philippines to speak of, but we can assure our people that your armed forces will never renege in its constitutional obligation,” sabi ni Arevalo.

Lahat aniya ng kanilang namomonitor ay ipinapaalam nila sa national leadership dahil ang usapin na may kaugnayan sa National Policy at Foreign Policy ay hindi sakop ng AFP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?