By

Maute stragglers sa Marawi, napulbos na – AFP

Sharing is caring!

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala nang stragglers sa main battle area sa Marawi City.

Magkagayunpaman, ayon kay AFP Public Affairs Office chief Marine Col. Edgard Arevalo, hindi pa rin sila nagpapakampante dahil posibleng may mga nagtatago pa sa basement o sa mga tagong lugar sa main battle area.

Posibleng naghahanap lamang daw ng pagkakataon ang mga ito para makatakas.

Paliwanag naman ni Arevalo, na kung ubos na ang mga stragglers sa Marawi, wala na aniyang maririnig na putukan at makakapag-focus na ang militar sa isinasagawang clearing operation.

Naghahanda na rin aniya ang militar sa isasagawang malawakang rehabilitasyon at konstruksiyon sa lungsod ng Marawi. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?