By

AFP, susuporta sa PNP sa barangay, SK elections

Sharing is caring!

Handa na ang Joint Task Force (JTF) NCR ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magbigay ng buong suporta sa Philippine National Police (PNP) para sa pagbibigay ng seguridad sa buong Metro Manila sa darating na Sangguniang Kabataan (SK) at barangay elections.

Siniguro ito ni JTF Commander Brig. Gen. Allan Arrojado, aniya nailatag na nila ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at concerned government agencies ang plano para sa pagpapatupad ng maayos ng halalan sa Metro Manila.

Paliwanag ni Arrojado, ang NCRPO ang lead agency sa seguridad at tutukoy kung ilan ang kailangan nilang karagdagang tropa na ibibigay ng militar bilang supporting unit.

Ngayon pa lamang aniya ay dapat nang matukoy ng NCRPO kung gaano karami ang augmentation force.

Hihiling pa kasi aniya sila sa headquarters ng kaukulang bilang ng mga sundalo.

Una nang sinabi ni NCRPO chief at incoming PNP Chief Oscar Albayalde na magde-deploy ang NCRPO ng 15,000 pulis sa election precincts sa Metro Manila sa darating na Mayo 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?