25

Oct 9, 2017 @ 12:31

AFP: Salic financier ng Maute, ISIS

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año na miyembro ng financial arm ng mga terrorist groups sa bansa si Dr. Russel Salic na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) noong buwan ng Abril.

Ito’y matapos na kasuhan sa Estados Unidos dahil sa umano’y pagplano ng terror attack sa New York City.

Ayon kay Año, trabaho ni Salic ay magpagdala ng pera sa mga suspected terrorist sa ibat ibang bansa.

“Russel Salic is part of a logistic support of intenational terrorist group iba iba kasi ang kontak ng impormayson yung mga bomber at saka yung support network si Dr Salic nagpapadala ng pera sa ibat ibang suspected terrorist,” sinabi ni Año.

Sa ngayon ay nagsasagawa ang Philippine National Police at AFP para matukoy kung saan nanggaling ang napakaraming pera ni Salic. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?