71
Terror attack sinusuri ng AFP
Oct 23, 2019 @ 20:12
By

AFP sa publiko: Tigilan na ang pagpapakalat sa hazing videos

Umapela sa publiko ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tigilan na ang pagpapakalat sa mga video na nagpapakita ng ginagawang hazing sa mga kadete sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Giit ni AFP spokesperson Marine Brig. Gen. Edgard Arevalo, walang sinumang nagbebenepisyo sa pagkalat nito.

“We appeal to the public to stop spreading the video. No one benefits from it. Both the Academy and the Dormitorio family have been severely battered with the stories that came out in the news. And showing videos of the said kind will only add insult to injury. Let us allow the family and the PMA to heal and the Corps of Cadets to learn from its mistake and move on,” ani Arevalo.

Hindi rin aniya nagrerepresenta sa buong PMA ang naturang karahasan.

“The videos confirm that maltreatment happens in PMA. That has been established especially in the case of Cadet Dormitorio. Much as we mourn his death, we maintain that these cases do not represent the entire PMA training. And maltreatment is neither sanctioned nor tolerated in PMA,” dagdag pa ni Arevalo.

Siniguro naman nito na ginagawa ng PMA ang lahat para mapuksa ang nangyayaring pangmamaltrato sa loob ng akademya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?