28

Oct 21, 2020 @ 19:52
By

AFP reservist tinodas sa bahay

Binaril sa loob ng bahay ang isang reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Caloocan, Martes ng hapon.

Kinilala ng Caloocan Police ang biktimang si Alfredo Orpeza, 70, residente ng Barangay Bagong Silang, Caloocan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, alas-3:30 ng hapon habang nagbabantay sa kanilang sari-sari store na nasa bahay si Orpeza nang hintuan ng motorsiklo sakay ang dalawang lalaki at binaril ang biktima sa mukha.

Namatay on the spot ang biktima habang tumakas patungong Langit Road ang mga salarin.

Isang barangay official malapit sa lugar ang siyang nag-report ng insidente sa Caloocan Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?