18
journalists
Jan 20, 2018 @ 12:14

AFP reporter, 2 pang journalists inaresto sa Africa

Kinondena ng Amerika ang pag-aresto at pagkalaboso ng tatlong journalists kabilang na ang reporter ng Agence France-Presse (AFP) sa Sudan, North Africa.

Binitbit ng mga otoridad si Abdelmoneim Abu Idris Ali, ng AFP, at dalawa pang journalists habang nagkokober ng demonstrasyon hinggil sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain sa nasabing lugar nitong Miyerkoles.

Hindi sila pinayagan na makakontak sa kanilang mga pamilya o employers, at ayon sa mga otoridad ay isasailalim sila sa imbestigasyon ng National Intelligence and Security Service (NISS) ng Sudan.

“We condemn the harassment, arbitrary detention and attacks on journalists in Sudan who are doing their jobs and exercising their fundamental right to freedom of expression,” ani US State Department spokeswoman Heather Nauert sa AFP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?