124

Oct 6, 2017 @ 14:12

AFP, PNP timeout para sa zumba

Pansumandaling magta-timeout sa kanilang tapang at alisto sa pagmamatyag sa seguridad ng bansa ang mga sundalo para magkumpitensya sa Linggo, Oct. 8, sa Philippine Sports Commission-Sports for All Program Zumbathon 2017 sa Rizal Memorial Track Football Pitch.

Sinabi kahapon ni PSC Commissioner at Sports for All Program In-Charge Fatima Celia Hicarte Kiram na bahagi ito ng kanilang physical fitness training at para maipakilala rin sa mga miyembro ng Philippine Army, Navy, Air Force, Philippine National Police, Marines at Bureau of Fire Protection ang zumba.

Marami nang nahihilig ngayon sa bagong paraan ng exercise.

“We had been holding our weekend zumba for the past three months and this week will be our final presentation of how they had been able to follow the zumba moves as they all join the zumbathon,” ani Kiram.

Palaging nasa 500-600 ang average ng soldiers sa zumba kaya umaasa si Kiram kasama si PSC Women In Sports Coordinator Judith Laygo na mas lolobo ang bilang para sa espesyal na culminating zumbathon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?