naval-base
By

AFP planong magtayo ng Naval Base sa Aurora

Sharing is caring!

Pinagbabalakan na ng AFP ang papapatayo ng isang naval base sa Casiguran, Aurora para lubos na mabantayan ang Philippine Rise.

Sinabi ni AFP-Northern Luzon Command (Nolcom) chief, Lt. Gen. Emmanuel Salamat na ang paglalagay ng base para sa Philippine Navy ay nasa planning stage niya.

Dagdag pa nito inirekomenda din niya na magkaroon ng ‘upgrade’ sa pasilidad ng pier sa Casiguran para magamit sa pagbabantay sa Philippine Rise at mapigilan ang pagpasok ng mga banyaga.

Nais din niya na mapagbuti rin ang kapasidad ng pier para mapagibayo pa nila ang ginagawa nilang ‘rotational presence’ sa Philippine Rise.

Katuwiran ni Salamat kapag regular ang presensiya ng kanilang puwersa ay mas mababantayan nila ang yamang-dagat sa naturang bahagi ng Pacific Ocean.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?