325
sereno1
Sep 12, 2018 @ 17:37
By

AFP pinahamak ni Duterte – Sereno

Ibinabala ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pagkakawatak-watak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pagbawi sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Sereno, mapanganib ang hindi pagkonsulta ng pangulo sa AFP ung binawi ang amnestiya lalo pa ang pagpapalutang na pwede na ring bawiin ang amnestiya ng lahat ng iba pang sundalo na nagrebelde noon.

“i I think they (AFP) have come to the realization now that what President Duterte did by not consulting even the military is very dangerous. In other words, kumbaga pinahamak ni Presidente Duterte ang AFP,” sabi ni Sereno.

“Paano? Biruin mo namang buksan ang idea na lahat ng mga amnestiya na naibigay na sa libo-libong sundalo na nagkaroon ng problema sa batas hindi lang sa time ni Cory eh lahat pala ‘yan ay maaring buksan,” dagdag nito.

“Ibig sabihin ‘yung amnestiya na alam ko ay nakuha mismo ni General Carlito Galvez, ‘pag nagbago na po ang administrasyon ay pwede na pong buksan gayundin po ang amnestya ni Sen. Gringo Honasan at marami pa,” hirit pa ni Sereno,

Si Galvez ang kasalukuyang chief of staff ng AFP.

“Ibig sabihin po, imbes na buo ang sandatahang lakas ay magkakawatak- watak sila at laging may agam-agam na ang nasarhan na ay maari pang buksan. Malagim po ang maaring mangyari kung sana po ay pinag-usapan ‘yan,” punto pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?