35

By

AFP: Peace talks sa komunistang grupo, dapat gawin sa PHL

Mas maiging sa Pilipinas na lang gawin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Pahayag ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez sa harap ng pagsusulong ng gobyerno na maibalik ang peace talks.

Opinyon ng opisyal, ang sigalot sa bansa ay dapat pinag-uusapan din sa sariling bansa.

Ngunit wala naman aniyang problema kung may third party o may tagapamagitan sa pag-uusap ng dalawang panig.

“Kasi ang problema natin sa local, I believe the third party does not really parang, does not have, nakita namin hindi siya nagko-contribute positively kaya mas maganda talaga dito sa local,” paliwanag ni Galvez.

Hindi naman idinetalye ng opisyal ang kanilang ginagawang pagtugis sa NDFP consultants na nakalaya sa ginawang peace talks ng nakalipas na taon kabilang na rito ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?