37

Dec 26, 2017 @ 15:07
By

AFP naka-full alert sa posibleng pag-atake ng NPA

Nasa full alert status ang tropa ng militar dahil sa inaasahang pagatake ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA).

Ito ay dahil sa pagdiriwang ngayong araw ng ika-49 taong anibersaryo ng Communist Party of the Philippines.

Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, inaasahan na nilang gagawa ng pag-atake ang mga communist terrorist group dahil palagi naman itong ginagawa ng grupo.

Nanawagan naman ang AFP sa mga miyembro ng CPP-NPA na sumuko na lamang sa pamahalaan para makasama ang kanilang mga pamilya at makapamuhay ng normal.

Sa ngayon ay naka-active defense ang militar para pigilan ang anumang tangkang panggugulo at pananabotahe ng NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?