28
afp
Jan 11, 2018 @ 20:31
By

AFP naka-alerto sa pagpasok ng foreign terrorists sa Pinas

Hindi binabalewala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na makapasok hindi lang sa Mindanao kundi sa ibang panig ng bansa ang ilang foreign terrorist.

Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, sa ngayon mas mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga pantalan at paliparan upang mapigilan ang mga ito.

Nakikipag-ugnayan din aniya sila sa mga international agencies at Local Government Units para dito.

Sa kasalukuyan aniya may umiiral na ring kasunduan sa pagitan ng Malaysia at Indonesia ito ay ang trilateral joint patrol agreements na malaki ang maitutulong sa pagpigil sa mga foreign terrorist na nagtatangkang pumasok sa bansa.

Sa huli ayon pa sa opisyal importante pa rin ang pagiging mapagmasid, kooperasyon at active participation ng publiko para makatulog sa pagmonitor ng mga taong pumapasok sa bansa.

“But at the end of the day, we need the vigilance, cooperation, and active participation of our people in the communities who can monitor and report the arrival of new faces in the neighborhood” sinabi ni Arevalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?