95

Oct 1, 2021 @ 20:21
By

AFP nagbunyi sa panalo ni Miss U PH Beatrice Gomez

Binati ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Navy reservist na si Beatrice Luigi Gomez sa pagsungkit sa korona ng Miss Universe Philippines 2021 kagabi.

Isang reserve marine corporal si Gomez na nakatalaga sa Naval Reserve Center sa Eastern Visayas.

“The Armed Forces of the Philippines congratulates Reserve Marine Corporal Beatrice Luigi Gomez for being crowned as the 2021 Miss Universe Philippines,” saad ng AFP sa Facebook post.

Sumailalim si Gomez sa basic citizens military course training nitong taon at napasama sa Philippine Navy reserve unit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?