42

Jun 1, 2018 @ 10:44
By

AFP may reorganization kapag naging batas ang BBL – Galvez

Magkakaroon ng reorganization sa hanay ng Armed Forces of the Philippines(AFP) kapag tuluyang naisabatas ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Pahayag ito ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez matapos na makapasa na sa kamara ang BBL.

Ibig sabihin nito magkakaroon ng joint organization ang AFP kasama ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil mayroong Joint Peace And Security Teams.

Ayon pa sa opisyal, aasahan ang mas maraming cooperative engagement sa pagitan ng MILF at AFP kung maipapasa ang BBL.

“Yes definitely magkakaroon tayo ng tinatawag na reorganization kasi meron tayong tinatawag na JPST, yung Joint Peace and Security Teams, So we will have some joint organization with the MILF so that yung transition for future normalization”sinabi ni Galvez.

Naniniwala pa ang opisyal na makakatulong ang BBL para matapos na ang terorismo sa Mindanao.

Base sa ilalim ng BBL, bubuwagin na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at papalitan ng Autonomous Region of the Bangsamoro (ARB).

Pero ang Bansamoro police at military ay nasa ilalim pa rin ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?