58

Oct 20, 2017 @ 19:13

AFP: Maute members, posibleng humalo sa mga bihag

Inaalam na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung totoo ang impormasyong ilan sa mga nailigtas na bihag ng Maute ISIS terrorist group ay mga miyembro mismo ng teroristang grupo.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Marine Col. Edgar Arevalo, malaki ang posibilidad na humahalo na sa mga naililigtas na bihag ang mga natitirang miyembro ng Maute ISIS group dahil sa takot na mapatay ng militar.

Sa ngayon, ayon kay Arevalo, mayroon silang 10 bihag na nailigtas mula sa mga kalaban ang isinasailalim sa verification upang matiyak na hindi ito mga terorista.

Ang 10 nailigtas na hostages ay kabilang sa 20 bihag na na-rescue ng tropa ng pamahalaan simula noong Lunes nang magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng declaration of liberation.

Sa ngayon, aabot na sa 897 ang napatay sa Maute group, 164 na mga sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay habang aabot naman sa 47 na mga sibilyan ang napatay. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?