70

Jan 24, 2021 @ 20:56
By

AFP magso-sorry sa abogadong tinawag nilang rebelde

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hihingi ng paumanhin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang abogado na isinali nila sa listahan ng mga rebelde.

Sa isang panayam, tinanong si Lorenzana kung hihingi ba ng tawad ang AFP kay Atty. Rafael Aquino dahil sa insidenteng ito.

“Yes, the AFP will apologize. What reason will they give? I do not know. It’s an unpardonable gaffe,” saad niya.

Sa isang pahayag, nanghingi si Aquino ng apology mula sa AFP dahil napabilang ang kanyang pangalan sa inilabas nilang listahan ng mga estudyante mula University of the Philippines na naging kasapi ng New People’s Army (NPA).

“I was a UP student for twelve straight years, from high school to law school; there was no opportunity for me to be associated in any way with the New People’s Army,” saad niya.

“Not being NPA to begin with, I was never captured by the military. I also did not have the opportunity to be killed by the military or anyone else; I am very much alive,” dagdag pa niya.

Aniya, nararapat siyang hingan ng tawad ng AFP dahil delikado ang ginawa nilang pamimintang.

“With the others in the list, I am owed an apology by the AFP in whose website this list appeared. In these perilous times, this malicious inclusion in such a list is hazardous to our health and safety,” pahayag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?