143

Nov 8, 2017 @ 20:19

AFP kontra sa revolutionary government

Tiniyak ng liderato ng Armed Forces of the Philippines kay Vice President Leni Robredo na hindi nito susuportahan ang bali-balitang binabalak na magtayo ng isang revolutionary government sa bansa.

Binigyan ng AFP si VP Leni ng isang security briefing noong Miyerkules ng hapon, sa Air Force headquarters sa Pasay City.

Kinuha ni VP Leni ang pagkakataong ito para tanungin ang posisyon ng AFP tungkol sa pagtatayo ng revolutionary government.

Sinabi niyang nakakabahala ang mga ganitong usapin, matapos ang pagtatawag ng suporta para dito, mula mismo sa ilang masugid na tagasuporta ng Pangulo, kabilang na ang ilang opisyal ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng bagong AFP chief na si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero na hindi ito susuportahan ng sandatahang lakas sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

“I do not intend to squander the goodwill extended to us by the people,” ani Guerrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?