88

Dec 18, 2017 @ 12:15
By

AFP, kinondena ang pag-atake ng NPA sa disaster response ops sa Samar

Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalong nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response operations sa lalawigan ng Samar.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang ginawang pag-atake ng NPA ay nagpapatunay na walang sinasanto ang komunistang terorista.

Dahil dito, tama lamang aniya ang desisyon ng pamahalaan na pormal nang tapusin ang peace negotiations at hindi na pairalin pa ang suspension of military operation ngayong Christmas season.

“We condemn this attack. It only manifested the true color of these communist terrorists. This only validated the aptness of government’s decision to terminate the peace negotiations and to discontinue the traditional Christmas truce,” sinabi ni Arevalo.

Sa ginawang pag-atake ng NPA, dalawang sundalo ang sugatan na kinilalang sina Corporal Yzazel Laure, at Private First Class Ronald Gomez na kabilang sa 20th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Habang halos 50 na miyembro ng komunistang terorista ang nanambang sa mga sundalo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?