116

May 27, 2018 @ 17:14
By

AFP: Kinilala ang nagawa ng Air Force sa Marawi liberation

Kinilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na malaki ang naiambag ng mga tauhan ng Air Force sa pagkubkob ng pamahalaan laban nsa Maute terrorist group matapos ang halos limang buwang pakikipaglaban para sa bayan.

“These airmen demonstrated power that was felt 24/7 wherever they were needed. In the five-month campaign, the Air Force flew more than 1,350 sorties, transported nearly 7,000 soldiers and police personnel, and transported around 700 wounded personnel,” ayon kay AFP Chief-of-Staff Gen. Carlito Galvez Jr. sa paggunita ng Marawi air campaign na ginanap sa Edwin Andrews Air Base, Zamboanga City.

Mahigit sa 1,000 air force personnel, kabilang na ang piloto at ground crews ay nakatulong sa kampanya sa pagligtas sa Marawi.

Kinilala rin ni Galvez ang naiambag ng 205th Tactical Helicopter Wing na naglaan ng monitoring araw at gabi kasama ang 220th Airlift Wing ng military at civilians, supplies, ammunition at ang pamamahagi ng relief goods.

Matatandaang mahigit 165 sundalo at pulis ang nasawi sa mahigit limang buwang pag-atake ng mga terorista sa Marawi habang nasa 1,000 Maute-Group terrorists naman kabilang ang Islamic State “emir” in Southeast Asia, Isnilon Hapilon, and Maute co-founder, Omar Maute, ang nasawi sa sagupaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?