16

By

AFP inutusang isauli ang P192-M DAP funds

Sharing is caring!

Sinabihan ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibalik nito ang P192.5 milyon na inilabas noong 2012 para sa ilang road projects sa Maguindanao na hindi pa naiimplementa.

Iginiit ni Dureza ang pagkaantala sa implementasyon ng P100-million concreting sa Lamud-Ganassi-Biarong road sa South Upi at ang P150 million concreting sa Makir-Sibuto-Kinabaka road sa Datu Odin Sinsuat sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) program.

Dapat umano ay naimplementa na ang naturang proyekto noong Hulyo 2012 dahil naibigay na ang pondo sa AFP.

Dahil dito, sumulat ang peace adviser sa AFP para hilingin na ibalik nito ang hindi nagamit na pera dahil sa “considerable lap of time” at “the possibility that the project cost now would vary from the program of work costs six years ago.”

Ayon sa OPAPP, ang P192.5 million ay inisyal na halaga na inilabas mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ang original project amount umano nito ay P250 million na hindi nailabas nang buo dahil sa ruling ng Supreme Court na iligal umano ang DAP funds at dahil sa matagal nang pagkaantala, maituturing na umanong “unliquidated” funds ng Commission on Audit ang naturang halaga kung hindi ibabalik ng AFP. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?