23

AFP humirit na ng martial law extension kay Duterte

Sharing is caring!

Inirekomenda na ng Armed Forces of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa isang press briefing, sinabi ni Major General Restituto Padilla Jr. ang pagpapalawig ay para sa buong Mindanao pa rin.

Subalit hindi umano niya alam ang haba ng ekstensiyon na inirerekomenda ng AFP.

“As far as I am concerned, there is a recommendation to similarly support the recommendation of the Philippine National Police but I am not privy to the whole report and I am not at liberty to discuss whatever it is that has been placed in the report until such time that the decision has been made,” sabi ni Padilla.

“It is for the Mindanao area,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?