37

By

AFP, hindi kukunsintihin ang umabusong sundalo sa Marawi

Sharing is caring!

Humihingi ng pormal na reklamo ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Amnesty International Philippines.

Kasunod ito ng kanilang mga pahayag na maraming mga sundalo sa Marawi City ang pinahirapan ang ilang sibilyan sa lungsod sa paghihinalang sila ay mga miyembro ng nakalabang Maute ISIS terrorist group.

Nagsagawa rin umano ng looting o pagnanakaw ang mga sundalo.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo kaugnay dito.

Pero nanindigan silang bawat miyembro ng AFP ay sumusunod sa Law of Armed Conflict at pagrespeto sa karapatang pantao.

“We are yet to see the report that contains such allegations. That notwithstanding, the AFP has been coherent, consistent, and unequivocal. We are committed to adhere to the Law of Armed Conflict and respect human rights in the conduct of our operations,” sinabi ni Arevalo.

Sakali naman aniyang mapatunayang may sundalong lumabag sa karapatang pantao at Law of Armed conflict, hindi ito kukunsintihin ng kanilang liderato.

Sa huli nanindigan ang AFP na hindi isasawalang-bahala ang ginawang kabayanihan at pagsasakripisyo ng mga sundalo na sumabak sa giyera sa Marawi City dahil lamang sa mga ganitong pahayag.

“We will not dishonor the sacrifices and heroism of our soldiers,” sabi pa ni Arevalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?