26

Oct 17, 2017 @ 13:09

AFP, handa sa resbak ng Maute supporters

Inaasahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng retaliatory attack o pagganti ng mga supporters ng Maute ISIS group sa labas ng Marawi City.

Ito’y matapos ang pagkakapatay sa kanilang dalawang lider na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

“We will not be surprised. This is something we all expect. If terrorists retaliate even with minor setbacks in their evil designs, how much more with this severe blow where Hapilon and Omar were neutralized?” ani AFP Public Affairs chief, Marine Col. Edgard Arevalo.

Ayon sa hepe, sa kabila ng inaasahang pagganti ng teroristang grupo, handa naman daw dito ang kanilang hanay.

“But we are ready. Just as we are busy enlisting the help, capacitating, preparing local governments and their residents,” sabi pa ni Arevalo.

Sa ngayon aniya’y nakatuon sila sa paghingi ng tulong sa mga lokal na pamahalaan na paalalahanan ang kanilang mga residente na maging alerto at mapagmatyag.

Hindi rin daw naduduwag ang AFP sa posibleng sympathy attack pero sana raw ay palakasin pa ang loob ng mga sundalo para pigilan ang mga terorista sa posible na namang panggugulo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?