101

Dec 13, 2017 @ 10:23
By

AFP handa na sa opensiba vs NPA sa Eastern Mindanao

Itutuon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang opensiba kontra sa New People’s Army (NPA) sa Eastern Mindanao.

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command (EastMinCom) spokesperson Major Ezra Balagtey, batay sa kanilang datos 50 porsiyento ng NPA sa rehiyon ay nasa Eastern Mindanao.

May 1,800 hanggang 2,000 NPA aniya ang nasa Eastern Mindanao .

Kaya naman bilang pantapat dito, sinabi ni Balagtey, na ire-re-deploy nila sa Eastern Mindanao ang mga puwersa ng AFP na unang pinadala sa Basilan at Marawi bilang pangontra sa Abu Sayyaf at sa Maute terror group.

Dumating na aniya sa EastMinCom kamakailan ang 15th Infantry Battalion galing sa Basilan; at maging ang 2nd Scout Ranger Battalion na galing naman sa Marawi.

Bukod dito, may mga karagdagan pang tropang ipinangako si AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero na patunay na seryoso ang Pangulo na tapusin na ang NPA. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?