8

Jan 25, 2021 @ 17:57
By

AFP dapat manatiling loyal sa kanilang mandato – CHR

Sinabi ng Commission on Human Rights (CHR) na dapat manatiling naka-angkla ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang mandato na ‘Serving the People, Securing the Land.’

Sambit ito ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia sa isang pahayag matapos i-redtag ng mga kawani ng AFP ang ilang alumni ng University of the Philippines (UP) bilang miyembro ng New People’s Army.

“The taxes that serve as the lifeblood of the government are from the people and are presumed to be always intended for the greater good. And one of the best ways to give life to the AFP’s motto of ‘Serving the People, Securing the Land’ is by being loyal to truth, fairness, and the rights enshrined and guaranteed by the Constitution, such as due process and presumption of innocence, among others,” ani De Guia.

Sambit niya, maaaring malagay sa panganib ang buhay ng isang tao sa mga ganitong pagkakamali.

“Such gaffe continues to be a cause for serious concern. Similar lapses, if left unchecked, can put reputations and lives in serious danger. In this specific case, such obligation for human rights does not only include protecting groups and individuals from harm, but also involves ensuring that government actions do not put innocent lives in peril,” saad niya.

Nangyari ang pangre-redtag sa ilang alumni ng UP matapos lusawin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang UP-DND accord matapos ang tatlong dekada.

Anila, kuta umano ng recruitment ang naturang unibersidad para sa partidong komunista.

Una nang itinanggi ng mga opsiyales ng naturang unibersidad ang paratang na ito.

“The University’s core mission is knowledge and innovation creation, production, and dissemination, using various approaches of knowledge transfer. UP does not recruit for the communists as this is not its mission.” giit nila. (VAPA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?