20

By

AFP chief Guerrero, tututok sa terorismo

Sharing is caring!

Itutuloy na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero ang pag-iikot sa mga kampo ng militar ngayong napalawig na ang kanyang termino hanggang sa buwan ng Abril sa susunod na taon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Marine Col. Edgard Arevalo, ang pag-iikot na ito ay bahagi ng trabaho ng isang AFP Chief of Staff.

Sa pag-iikot, personal na inaalam ni Guerrero ang sitwasyon ng mga sundalo lalo na sa mga lugar na maraming banta ng terorista upang maibigay ang kanilang mga pangangailangan.

Bukod dito, personal din na binati at kinikilala ni Guerrero ang mga sundalong lumalaban ngayon sa mga terrorista.

Una nang sinabi ni Arevalo na sa pagpapalawig ng termino ni Guerrero ay tututok siya sa mga programa at planong may kinalaman sa paglaban sa banta ng terorista.

Si General Guerrero ay nakatakda sanang magretiro sa Disyembre 17, 2017 sa mandatory retirement age na 56 years old.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?