33

Jan 7, 2022 @ 11:12
By

AFP chief Centino tinamaan ng Covid 19 — AFP spox

Nagpositibo ang Armed Forces Chief of Staff na si General Andres Centino nitong Huwebes, Enero 6.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Ramon Zagala nitong Biyernes, si Centino ay nasa isolation facility ngayon sa loob ng Camp Aguinaldo kung saan niya ipagpapatuloy ang kaniyang tungkulin.

“The Armed Forces of the Philippines confirms that the AFP chief of staff, General Andres Centino, has tested positive for COVID-19 yesterday,” saad ni Zagala.

Dagdag ni Zagala, pangangasiwaan pa rin umano ni Centino ang lahat ng mga unit ng AFP sa pagsasagawa ng kanilang mga nakatalagang gawain.

“He remains in full command of the AFP, supervising all units in carrying out their assigned tasks through all allowed and available means,” dagdag pa ni Zagala. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?