3,769

By

AFP, binawalan ni Duterte na magbantay sa WPS – Trillanes

Sharing is caring!

Demoralisado umano ang mga sundalo dahil ipinaparaya na ng Duterte administration ang West Philippine Sea (WPS) sa China.

Sa impormasyon ni Trillanes, dismayado ang mga sundalo partikular ang Philippine Navy (PN) dahil hindi magampanan ang tungkulin na bantayan at protektahan ang teritoryo ng bansa.

Diumano, itong Duterte administration mismo ang nagbabawal sa Navy na magpatrulya sa West Philippine Sea (WPS) para hindi ma-offend ang mga kaibigan ng pangulo.

“Base sa ating impormasyon, talagang demoralized ang Sandatahang Lakas dito sa pagse-sell out ni Duterte sa ating mga teritoryo. Yung Navy ships natin ngayon, nire-retrain sila mismo nitong administrasyon,” sabi ni Trillanes.

Dahil dito, kaya hindi nila makita ang aktwal na militarisasyon ng China at umaasa lang sa dumarating na impormasyon gaya ng ibinabahagi ng America.

Kakaiba aniya na binabawalan ating sandatahang lakas na makalapit sa teritoryo na maliwanag na sakop ng Pilipinas pero hinahayaan doon ang China na walang tigil ang pagtatayo ng istruktura at nagpasok pa ng missile systems.

“Restricted na tayo dito sa ating sariling teritoryo,” ayon pa kay Trillanes.

Noong siya ay nasa PN pa, nagagawa umano nilang magpatrulya roon.

Inihayag ito ni Senador Antonio Trillanes IV matapos niyang ihain ang resolusyon kung saan hinihingi niya na busisiin ng Senado ang militarisasyon ng China.

Sa Senate hearing, na maaring gawing closed-door, gusto nilang alamin kung ano ang impormasyong hawak ng security officials ng gobyerno ukol sa nangyayari sa WPS at kung ano ang ginagawa ukol dito.

Sa panayam, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na handa silang magbigay ng briefing sa mga senador ukol sa diplomatic actions dito ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?