50

Feb 13, 2020 @ 12:57
By

Aeta, Mangyan isali sa PNP, AFP – Tolentino

Dapat bigyan ng tiyansa ang mga Indigenous Peoples (IP) o Indigenous Cultural Communities (ICC) na maging bahagi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon kay Senador Francis Tolentino.

Sa Senate Bill 404 o “Katutubong Tagapagtanggol Act of 2019”, sinabi ni Tolentino na ito ang tamang panahon para kilalanin at bigyan ang mga katutubo ng pagkakataon na makapaglingkod para sa bansa.

“The members of the ICCs/IPs are overlooked and sometimes discriminated upon, and not given the chance to serve, protect and defend the country simply because of their culture. It is expressed policy of the State to promote the rights of ICCs/IPs in formatting policies for the development of the nation,” sabi ni Tolentino.

Sa ilalim ng panukala, kailangang ipantay ang kanilang school admission at acceptance share sa Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police (PNP). Dapat exempted din ang mga ito sa height, body mass index at general point average bilang bahagi ng admission requirement.

Hindi na rin dapat ipagbawal ang pagkakaroon nila ng tattoo o piercing dahil bahagi aniya ito ng kanilang kultura, kaugalian at tradisyon.

Bukod diyan, magbibigay din ang panukala ng proteksiyon sa mga katutubo sa anumang uri ng diskriminasyon.

“The culture must be celebrated, brought into the light and integrated into society for it is something the brings honor and pride to the country,” sabi ni Tolentino.

Inihain ni Tolentino ang panukala bilang tugon umano sa patuloy na diskriminasyon laban sa kabila dahil sa kanilang kultura at panlabas na kaanyuan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?