51
clark-airport
Jul 17, 2019 @ 19:56
By

Aeta hinangaan sa pagbalik ng P51K ng pasahero

Pinuri ng Clark International Airport Corp. ang isang Aeta utility worker matapos nitong ibalik ang envelope na naglalaman ng US$100 bills na may kabuuang halaga na P51,000.

Duty noon sa ikalawang palapag ng international departure si Grace Laxamana, 42, nang mamataan niya ang envelope sa upuan, Linggo ng hapon.

Agad niya itong itinurn-over sa airport operations officer na si Raymund Salazar.

Sa kuha ng CCTV nakita ang isang pasahero na nakahulog ng naturang envelope nang pasakay na ng Cebu Pacific flight 5371 patungong Singapore.

Pansamantalang dineposito ang pera sa “lost-and-found area” na maaaring ma-claim ng may-ari anumang oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?