150

Nov 6, 2017 @ 14:57

Aegis Juris prexy Arvin Balag kulong pa rin sa Senado

Mananatili pa rin si Aegis Juris Grand Perfectus Arvin Balag sa kulungan ng Senado kahit natapos na ang pagdinig kaugnay sa kaso ni Horacio Castillo III.

Ito ay sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Balag sa naging aksiyon nya sa pagdinig ng Senado.

“I would like to apologize for what happened last hearing. It’s not my intention to disrespect the Committee,” sabi ni Balag.

Gayunman, bagama’t handa na ang mga senador na alisin na ang parusa kay Balag dahil sa pagsa-cite sa kanya in contempt, nagsilbing hadlang naman ang petisyon nito sa Korte Suprema.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, naghain ng petition for certitorari with prayer for TRO (temporary restraining order) sa Korte Suprema si Balag kumukwestyon sa aksyon ng Senado.

“No one wants to lose by default. So we will find it out with Supreme Court. In the meantime, you will stay a little longer in the Senate premises,” saad ni Lacson.

Matapos ang pagdinig ay balik kulungan si Balag na nagbigay linaw din na hindi siya ang incumbent president ng Aegis Juris.

“As to the question last time, I was not the incumbent President of the Aegis Juris, I ceased to be an officer last August 2017 po,” dagdag pa ni Balag. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?