120

Oct 18, 2017 @ 16:02

Aegis Juris president, ikinulong sa Senado

Idiniretso sa detention facility ng Senado ang sinasabing presidente o ang grand perfectus ng Aegis Juris Fraternity na si Arvin Balag nang maging mailap sa pagsagot sa katanungan ng mga senador.

Ikinairita ng mga senador ang paulit-ulit na pag-invoke ni Balag ng kanyang right against self incrimination lalo na sa tanong hinggil sa kanyang posisyon sa fraternity.

“Ni pagiging miyembro hindi mo aaminin? Anong klaseng leader ka ng iyong fraternity? Makakasama sa frat yan..Yan ang leader ninyo, o,” saad ni Senador Grace Poe nang ilang beses na tanungin si Balag sa kanyang membership sa frat.

Bagama’t kinalaunan sa hearing ng Senado sa pagpatay kay Horacio Castillo III ay inamin nito na siya ang grand perfectus ng fraternity ay huli na at nakapagdesisyon na ang mga senador na icite siya for contempt.

Nabulgar din sa hearing ang tangkang cover up sa kaso ni Castillo nang ilahad ni Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coronel na batay sa chat ng mga miyembro ng fraternity ay nais itago ang kaso.

“But then, in light of the discovery of theses chat messages, it appears that from Sunday, September 17, the objective of the Aegis Juris fraternity is to cover up, conceal, to avoid and evade the prosecution of this case,” saad ni Coronel.

Iginiit naman ni UST Civil Law Dean Atty Nilo Divina na dapat parusahan ang sinumang magtatangkang mag-cover up sa insidente.

“Those involved in the cover up should be meted the proper sanctions, they should be penalized accordingy, as i said we will not condone any cover up,” saad ni Divina. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?