11

Jun 18, 2021 @ 14:10
By

Adviser ni Duterte balak ihiwalay mga bakunado sa walang turok

Minungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ihiwalay ang mga bakunadong indibiduwal sa mga hindi pa nababakunahan sa iba’t ibang establisyemento.

Ito’y dahil hindi umano puwedeng pagbawalan ang mga wala pang bakuna sa pagpasok sa iba’t ibang gusali tulad ng mall, restaurant at iba pa.

“We’ve been discussing on the idea of segregation kasi bawal na i-ban namin those who will not take the vaccine to enter an establishment,” lahad ni Concepcion sa DZBB.

Binigay na halimbawa ni Concepcion ay ang posibilidad na pagbibigay ng oras sa panonood ng sinehan sa mga nabakunahan na at wala pang turok.

“Maybe those vaccinated will have a set time in the movie theater and then those that are not vaccinated will have this time,” ayon kay Concepcion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?