46

Jan 27, 2019 @ 11:23
By

Adriano Moraes saludo kay Geje Eustaquio

Bilib ang Brazilian fighter na si Adriano “Mikinho” Moraes sa nakalaban niyang si Filipino star Geje “Gravity” Eustaquio sa ONE: Hero’s Ascent.

Napahanga ang lahat ng manonood nang makita ang determinsayon ng Pinoy sa kabila ng knee bar na halos ikapilay niya.

Ayon kay Eustaquio, totoong masakit ang nangyaring knee bar ni Moraes ngunit kahit anong mangyari hindi niya magagawang sumuko.

Saludo naman si Moraes sa Pinoy at sinabing si Eustaquio lamang ang natatanging hindi sumuko nang ginawa niya ang atake.

Binati rin niya si Eustaquio na ayon sa kanya ay isang ‘true warrior’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?