170
garyalejano
Nov 6, 2018 @ 14:06
By

Administrasyong Duterte sinusuhulan ng China! – Alejano

Pinuna ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang kaliwa’t kanang mga regalo umano ng China na dumating sa bansa.

Sabi ni Alejano, nabiyayaan ng husto ang ilang lugar sa Pilipinas gaya ng Davao City na balwarte ng mga Duterte.

Pero babala ng kongresista, sinusuhulan ng China ang administrasyong Duterte para sa pansariling agenda.

“Ang ginagawa ng China ay hindi lamang simpleng pagreregalo — ito ay panunuhol sa administrasyon kapalit ng maka-Tsinang mga polisiya sa bansa. It seems like China has been helping the Filipinos holistically,” ani Alejano.

“Sa unang tingin, mukhang maganda ang hangarin ng China para sa bansa. However, the past actions of China tell us that we should not trust its seeming benevolence easily—those acts done under the guise of diplomacy,” dagdag ng kongresista.

Ayon kay Alejano, dapat maging mapanuri ang gobyerno at mas lawakan ang tingin sa tunay na motibo ng China.

Paalala nito, kay Chinese Foreign Minister Wang Yi na nanggaling na ang Pilipinas ang mahalagang link sa kaniang Maritime Silk Road.

Hindi naman anya lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na pinag-iinteresan at inaagaw ng China ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Kinukuha ng China ang loob ng ating gobyerno upang maisulong nito ang kanilang mga plano partikular na ang debt trap diplomacy nito,” giit ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?