2,172

By

Administrasyong Duterte mas malala pa sa bagyo – Lagman

Sharing is caring!

Winasak umano ng administrasyong Duterte ang ekonomiya ng Pilipinas at mga institusyon nito simula nang pamunuan ang bansa noong 2016.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, mas lumala pa ang sitwasyon sa nakalipas na dalawang taon.

Mas matindi rin anya ito kumpara sa malalakas na bagyong Ondoy, Yolanda at Ompong.

“When Duterte took over the presidency in July 2016, inflation was only 1.3 percent, now it is a crippling 6.4 percent due to no small measure to culpable government neglect and errant policies,” sabi ni Lagman.

“The exchange rate in July 2016 was P46.86 to $1.00, now it is a whopping P54.01 to $1.00 or a P7.15 deterioration in two years,” paliwang ng kongresista.

Bukod sa inflation at exchange rate, sinisi rin nito ang Duterte administration sa malalang sitwasyon ng trapik, krisis sa bigas, at mataas na poverty incidence, gayundin sa pagkawasak ng judicial system.

“The present rice crisis of spiraling prices and shortage, whether actual or contrived, besetting the Duterte administration was absent when he assumed the presidency,” ani Lagman.

Idinagdag rin ng mambabatas ang aniya’y nawalang human rights standing ng Pilipinas.

“Before the Duterte presidency, the Philippines was the acknowledged leader in the Asian Region in human rights protection and promotion, but the country has lost that premier status when Duterte campaigned for the restoration of the death penalty and violated human rights with impunity,” ayon kay Lagman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?