50

Dec 20, 2017 @ 13:56
By

Adik, tiklo sa ninakaw na 49-inch TV ng kapitbahay

Tiklo ang isang 28-anyos na umano’y adik matapos tangkaing nakawin ang Sony 49-inch Smart TV ng kanyang kapitbahay, kamakalawa sa Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Roland Ebid y Medel, walang trabaho at residente ng Concepcion Uno, Marikina City na nahaharap sa kasong robbery at kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell. Batay sa report, habang papauwi na sa kanilang bahay sa No. 62 L. De Guzman Concepcion Uno, Marikina City ang biktima na si Joselito Adriano y Agno, 37, bandang alas-singko kamakalawa ng madaling-araw nang makita ang suspek na papalabas ng kanilang bahay.

Agad niya itong sinita nang makita na dala ng lalaki ang napanalunan niya sa raffle sa dinaluhang Christmas party na Sony 49” Smart TV na nakakarton.

Nagresponde naman ang ilang kapitbahay at barangay tanod nang marinig ang sigaw ng biktima at agad na nalambat ang suspek. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?