9

Jun 13, 2021 @ 14:40
By

Adesanya, dinipensa titulo

Dinepensahan ni Israel Adesanya ang kanyang middleweight title matapos talunin si Marvin Vittori via unanimous decision sa UFC 263 nitong Linggo (oras sa Pilipinas).

Sapat ang ginawa ni Adesanya para makakuha ng 50-45 na iskor sa tatlong hurado.

Dahil dito ay wala pa ring talo bilang middleweight si Adesanya. Ang nag-iisa niyang talo sa kanyang karera ay mula kay Jan Blachowicz noong nakaraan niyang laban kung saan umakyat siya ng timbang.

Gumanda ang record ni Adesanya sa 21-1.

Sa isa pang title fight, wagi ang Mexican na si Brandon Moreno kontra kay Deiveson Figueiredo via third round rear naked choke.

Dahil dito ay si Moreno ang unang kampeon sa UFC na ipinanganak sa Mexico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?