19

Oct 3, 2020 @ 20:19
By

Adebayo sabak sa Game 3, Dragic hindi sigurado

SINABI ni Miami heat star Bam Adebayo sa Yahoo Sports na tingin niya ay makakalaro na siya sa Game 3 ng 2019-2020 NBA Finals sa Lunes (Linggo sa Amerika).

“Yes, I believe I’ll be in the lineup,” sey ni Adebayo matapos ma-sideline sa Game 2 na pinagwagian pa rin ng Los Angeles Lakers, 124-114, Sabado (Biyernes sa Tate) para sa 2-0 bentahe.

“I’m feeling better. I believe I’ll play.”

Hindi naman sigurado kung sasalang na sa Game 3 ang isa pang Heat starter na si Goran Dragic.

Na-injury rin sa Game 1 si Dragic, nakaranas ng left plantar tear sa paa kaya absent sa Game 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?