20

Jan 30, 2021 @ 20:33
By

Adebayo pumatol sa fan

Ibang Miami Heat ang nakikita ngayon sa bagong season ng NBA, parang hindi galing sa finals ang pinapakitang laro ng team.

Kaya naman hindi maiwasan ng ilang fans na magkomento ng hindi maganda patungkol sa performance ng Heat ngayon, nasa 6-12 ang kartada ng team na lima ang sunod na talo.

Maging ang dating NBA player na si Paul Pierce ay napa-komento rin sa panget na nilalaro ng Heat.

“As great as the Miami Heat were in the playoffs last year. They will not make the playoffs this year. I haven’t seen their greet,” sey ni Pierce.

Kumbinsido si Pierce na malalaglag ang Heat ngayong season, isang fan sa Twitter rin ang tumira sa star ng Heat na si Bam Adebayo.

Tinira ni Mundinho Eren Yager si Adebayo at sinabing dapat pumuntos ito ng marami dahil siya’y max player.

“You are the max player so act as one,” sabi ng fan.

Hindi ito pinalagpas ni Adebayo at sinagot niya ito, “watch your mouth sucka.”

Humirit pa si Yager na umatras ang tapang dahil sa pagsagot ni Adebayo, “sorry son i love you and i was pissed at the game.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?